Monday, September 17, 2007

Lihis ng Daan

Na-iiyak na naman ako. May mga panahon na malakas ang tiwala ko sa sarili ko, meron naman mga araw na hindi ko alam kung saan ako kukuha ng tibay ng loob. Tulad na ng nasabi ko noon, likas na sa akin ang magtago ng tunay kong dinaramdam. Mahirap aminin pero itong mga araw na nakaraan, sinisipingan na naman ako ng lumbay. Hindi ko ninanais iparating pa sa mga kaibigan ang ganitong damdamin dahil ayoko marinig nila sa akin ang mga ganitong bigkas. Alam nila na kaya ko magdala ng kahit anong pag-subok .

Marahil, dala lamang ito ng pagdating ni Anton at lilipas din. Maaari din na dala ito ng iba ko pang responsibilitad sa amin, ang obligasyon sa bayad ng bahay, ang pamalengke, pang-grocery, bayad sa kuryente at tubig, at kung ano-ano pang saring pangangailangan, maliban sa pag-aaruga kay Anton. Iba yun. Sinisipingan ako ng tamlay at ayaw pa nitong umalis. Marahil, ninanais ko din na meron na sanang mag-mahal sa akin.

Ayoko tumanda. Napansin ko na habang tumatagal ang panahon, malimit na ako mag-balik tanaw. Sa totoo lang, hindi ko din nakikita na tatanda ako. Bakit ganun?

National Geographic Photo of the Day